Wala naman sigurong nabubuhay na may kapangyarihang ibalik ang nangyari na, kaya bakit mo pa sasayangin ang bawat “ngayon” kung hindi mo na ‘yan mararanasan pa pag iyan ay naging “kahapon”. Kung nagkamali ka man ngayon hindi praktikal na lunurin mo ang sarili sa pagsisisi, sa halip bakit hindi mo harapin ang bukas at huwag gawing modelo ang kamaliang nangyari sa nakalipas.
umiihip ang bulong mula kaliwa papuntang kanan. naghihintay ang karamihan. desisyon na pinaniniwalaang simula. pagbabago nga kaya o pagpapatuloy ng karumaldumal na gawa?
unti-unting nabubura ang liwanag. hawak ang tuwalya ng mga pinagpawisan. dahan-dahang binabagtas ang daan ng may mga tahanan. maiiwang nakaupo ang mga walang bahay. ilalatag ang kartong may kalaparan. dadaan ang mga tikbalang.
It doesn’t matter where you are on the stage, just as long as you’re there.
Sa entablado ang buhay mo, kakaiba sa buhay na nakasanayan ko. Habang suot mo ang sapatos na nakalakihan mo na narito nakakulong sa palad ko ang lapis na paubos na. Kasabay nang pag-galaw ng iyong mga kamay ang malikot at mahiwang pakikibagbuno ng mga salita sa papel na aking dala. Sa saliw ng tila walang katapusang melodiya siyang pakikisabay ng mga letrang pilit binubuhay.
Ilang beses na bang pasikretong pinanuod ka, ni wala kang alam na isa ako sa mga taong tumatayo’t pinapalakpakan ka. Mga pulang rosas na hindi ko kayang ibigay sayo ng harapan kaya papuslit kong pinapapatong sa iyong mesa kasama ang mga pangulay na lagi mong kasama. Hindi ko man masabi ang nararamdaman sa tuwing makikita kang suot ang puting damit mong pangsayaw patuloy akong babalik sa teatrong saksi sa iyong galaw.
Sa amo ng iyong mukha at ngiti mong walang patla hindi masisi ang sarili na maging tunay mong tagahanga. Tila may mahika kang taglay, sa talon mong mala dyosa nakakalipad ka at umaasa ako sa tuwing gabi na kahit man lang sa panaginip ako’y iyong mahagip.
Ilan pa bang sayaw ang mapapanuod mula sayo, ilan pa bang rosas ang ipapatong ko at ilan pa bang ang pagkakataon na iwasang makipagkita’t magpakilala sayo.
DOODLE/ABSTRACT SKETCH REQUESTED BY KUMONOY Bilib ako sa mga posts ni kuya Inong, at napakabait nito saken kahit di kami close. Nagpapasalamat po ako kuya sa mga kabutihang iyon sa pamamagitan ng doodle na ito haha.
Doodle sketch ito, kung tititigan ay emoticons ang bumuo ng mukha niya, may shading gamit ang maliliit at malalaking bilog na mukha. :) wala na masyadong shading yung damit kasi hindi naman yun ang focus ng doodle ko haha.
Kuya Inong, pafollow ulet haha
Sa iba, doodle requests are closed for now, those who requested are accepted, but after this post, doodle requests are not anymore accepted due to many people who requested.
Hindi matutumbasan ng kahit anong bagay ang mga regalo at bigay na tulad nito. Maraming Salamat Kaibigan!
hindi kayang marinig ng ibang tao. walang inuman ang nakakaalam nito. daig pa ang sikreto ng mga pilosopo. tanging kaluluwa ko ang tagapakinig ng kakaibang sigaw na likha ng organong may tibok.
Isang malawak na dalampasigan ang kinalulunggaan ko ngayon. Waring ang lumambot na lupa na mistulang dagat ay isang walang katapusang languyan. Wala man alon pero dagdag ang bigat nito kumpara sa isang ordinaryong anyong tubig. Kada tilamsik kailangan kong ipikit ang aking mga mata para pigilan ang pagpasok ng nabasang lupa sa mga bintana ng aking kaluluwa. Tahimik ang buong paligid tanging ang pahinga ko ng may dalang pagod ang naghahari sa lagusan ng ingay sa aking katawan.
Sa ilalim daw ng dagat makikita ang tunay na buhay pero papaano kung ang tubig nito ay maging kawangis nang nilalangoy ko ngayon—-isang tila malawak na kumunoy. May buhay pa kayang makikita sa ilalim nito, tatalon pa ba ang manglalangoy sa kanilang tila laruan at may mangingisda pa kayang papalaot. Paniguradong wala. Kaya ang umasa na may darating na Bangka ay hindi ko na kailangan pang gawin, basta sa puntong ito kailangan ko ng isang kapatagan.
Lumakas ang hangin. Dala nito’y kakaibang sigaw ng kung anong nilalang. Ano ito? Ano tong paparating? Ano tong gahiganteng lumilipad?
Papalapit ng papalapit hanggang mapapikit ako dala ng hangin nito, pagkamulat hangin mula sa bintana at pakislap na kidlat ang sumalubong sa akin. May kalakasan ang ulan ngayon….ang ika-walong ulan ng Mayo.
Bendita de Mayo: Pangalawang Ulan ng Mayo; Pangatlong Ulan ng Mayo; Pang-apat na Ulan ng Mayo; Panglimang Ulan ng Mayo; Ika-anim na Ulan ng Mayo; Ika-pitong Ulan ng Mayo
Hayaang gawing isang malawak na alapaap ang nakasanayang daan. Kalimutan lahat ng pinagbabawal at paandarin ng may sariling batas. Kapit ng mahigpit, hayaang ikulong ako ng iyong mga brasong naghahanap ng makakapitan. Isuot ang salaming dalawa lang ang kulay at hayaang makita ang lahat ng walang pagaalinlangan. Humandang mabilad sa araw at namnanamin ang init nito. Isigaw ang dapat isigaw hanggang kusang sumuko ang lalamunan…..sakay.kapit.suot.bilad.sigaw….(mawawala)
mainit ang sigaw ng bagong espaltadong daan. nakayukong tila sumasamba sa araw ang bawat makasalubong na nilalang. matatalim ang tingin dahil sa bwisit.
Marami man akong naririnig na masasamang bagay tungkol sayo, araw araw ka man nilang kutyain at magsawa na sila kakasira sa pagkatao’t pagkakakilanlan mo hindi nila mababago ang pagtingin ko sayo. Nagtataka nga ako madalas kung sino ang mga taong hindi ka naman lubos na kakilala sila pa ‘tong todo kung mangalat ng mga balibalitang hindi pabor sayo, kung bibigyan lang nila ng pagkakataon ang mga sarili nila para makasama ka panigurado mapapahiya sila.
Ako nakilala kita na babaeng nasasaktan kapag may umiiyak, lumalaban kapag naaapakan at nagiging masaya tuwing nakangiti ang mga kasama, ito pa lang mga bagay na ito alam kong kasinungalingan na ang mga binabato nila sayo.
Hi there. Hear again my ever friend, Twina with her raw acoustic cover of Eraserhead’s, “Huwag Mo Nang Itanong”. This cover is really freakin’ good and soothing. And oh, were actually working on “songwriting-mode” again for some definite purpose. Well, we hope we can do this.
P.S Salamat pala sa libre mong “hotdogs” kanina. That was historic! LOLS
Oh!! Twina let’s have a deal ikaw kakanta sa kasal ko.
Madalas mo akong tanungin kung tama ba ‘tong ginagawa natin at madalas ngumingiti lang ako, ni hindi maipagtanggol ang mga pinaniniwalaan ko. Ang hirap ibalanse ng mundo sapagkat kung anong tama sa akin siya namang kamalian sa kanya. Sino nga ba sila o siya at bakit kailangan pa natin silang paniwalaan. Hindi pa ba sapat na makita niya…nila na masaya tayo sa isat-isa.
Madalas mo akong tanungin kung tama ba ‘tong ginagawa natin ngayon kaya ko na itong sagutin. Oo mali sa paningin niya o nila pero mas mali kung hahayaan na lang kita na mawala at mapasakanya ka.
Gusto kitang manatili sa aking tabi. Hayaang matulog at magkasamang managinip. Makukuntento…na ako at ikaw lamang, walang iniisip na siya na kailangan mong balikan. Tanging ang ingay ng artipisyal na hangin ang hehele sa atin. Hahawakan ang iyong buhok hanggang ikaw ay makatulog. Pagmamasdan ang iyong kabuuan habang wala kang kaalam-alam. At sa ating magkasamang panaginip papatunayan natin sa mundo na pwedeng maging tayo.
Walang kakomplikomplikado. Walang karahasan. Walang kasalanan. Walang pangungutya. Walang paghuhusga. Walang liwanag pero sa dilim na kinakatakutan doon ang kapayapaan, doon ang pagkakapantaypantay at doon lamang makikita ang kakaibang kulay na di kayang mamuhay sa sinasabi nilang tunay na buhay.
